My son just recently graduated from Olivarez College High School Department. The school seemed to have outdone themselves this time, with a printed program of activities that, for the very first time in four years, did NOT misspell my son's name.

The school also managed to obtain solicitations for medals and awards from various sources, in particular a politician and an insurance broker. The quid pro quo, as you may well expect, was to give them a slot in the commencement exercises program. So other than the Guest Speaker and the College President's address, there were also unexpected speeches from the representative of the insurance broker and the politician.

But the politician went the extra mile in prolonging the ceremonies, by not only declaring to the students that he, Congressman Ed Zialcita, had always dreamed that he would become a politician since he was a little boy, and here he was now, a politician. Ergo the students should never be afraid to dream. And as he ended his speech we realized that it wasn't ending... he was launching into a song, complete with recorded accompaniment and his barong-tagalog'd form cavorting onstage. The Impossible Dream. I had expected backup dancers to appear on cue, from the sides.

I almost walked out. In fact, I did get up from my assigned seat and went to the back of the covered gym which was the venue of this celebration, and along the way looked here and there for material that I could throw at the stupid politician singing on stage. Ed Zialcita was rumored to have handed out music CD's of himself singing as a Christmas gift to his fellow congressmen. I never saw that CD, and I really wish I never saw him on this occasion.

But what could we--the parents and guardians of the graduates--do amidst this obvious politicking by this congressman whose term is ending and is probably running for mayor or some similar position? Nothing much really. Some of the other parents even applauded after the song. I just gave Cong. Zialcita the finger.

We are doomed, yes we are, and so are our graduates. This country is doomed because it caters to people like Ed Zialcita, providing him with the opportunity to further his ambitions at the expense of students and parents who really do not give a hoot about how he had always wanted to become a politician. Politicians by definition are dirty. If Ed Zialcita's boyhood dream was to become a dirty person then so be it. But he had no right to foist himself on the participants of the ceremonies, even if he did contribute a few medals for the awards. I'm sure the medals came out of his CDF anyway.

I would really rather remember this occasion as one of the important milestones in my son's life. But Ed Zialcita's antics has forever soiled this memory, as will all politicians who never fail to insinuate themselves into events that should have highlighted the celebrants, and not their dirty sneaky little campaign shenanigans.

Maraming beses ko nang narinig yang linyang "Hindi nyo ba ako kilala?" galing sa isang tao na malamang ang sagot sa katanungan nya ay "hindi."

At kung kilala man sya, me additional pang sagot "eh ano ngayon?"

Narinig na natin yan sa golf course, kung saan man may pila, at ngayon sa Duty Free.

Tama na, sobra na. We cannot ask for humaneness in Boyet Fajardo, because he fails one qualification. To be humane you have to be human first.

Boyet Fajardo is not human.



As for the Duty Free Manager Susan Gonzales, para sabihin nyang "kusang lumuhod" ang tulirong Mr. Fernandez: katungkulan mo, Ms. Gonzales, na pangalagaan ang kapakanan ng mga tauhan mo. Kaya ka nga ginawang manager. Hindi lang naman customer ang dapat mong alagaan, kundi lalong lalo na ang mga tao mo. Kaya kahit pa magpa-interview ka sa TV Patrol at sabihin ang mga sinabi mo, hindi mo maipagkakaila na pinabayaan mo ang tao mo.

Buti nalang may Union ang Duty Free Employees!

Accenture Philippines has filed a notice of retrenchment for about 500 workers at its facilities in Manila, said Labour Undersecretary Rosalinda Baldoz.

Accenture, which engages in business process outsourcing, including call centres, had about a thousand workers in Manila and in March 2008 it opened an office in the central city of Cebu which employs about 500 people.

Call centres and other outsourced business processes have become a major industry in the Philippines.

* * * * *

Eto na nga ba sinasabi ko eh. Umasa ka ng todo sa US investment, yan ang mapapala mo kung tumumba sila.

I have always believed that the Philippines is an agricultural country. The problem is the Philippines seems to think that agricultural = backward. What we don't see is that agricultural = production of goods which can be sold = capital which can be used for funding. We are so hung up on working for others, forgetting that we can work for ourselves.

We have reduced ourselves to being the cheap slaves of lazy foreign countries. That's what outsourcing is, when you really look at it. Foreign capitalists too cheap to pay their own nationals who are too lazy to work for pay that an ordinary Filipino would be quite eager to earn.

When I was in grade school we learned about the Central Plain of Luzon and the Rice Granary of the Philippines. Although Pinatubo wiped out much of that area, they are alive again now. The International Rice Research Institute is doing its part in the education of farmers not only from this country.

It is the Philippine government which coddles criminals like Jocjoc Bolante and prevents full implementation of the CARP, and people who think farming is a second class occupation who will keep this country mired in unreasonable dependence on his foreign masters.

Kung after lunch nyo ito mababasa, malamang nakaupo na kayo sa trono o kung ano man ang tawag sa upuan nyo jan sa Malacanang. At dahil nariyan na kayo, gumawa ako ng listahan ng mga suggestions ko para sa inyo. Alam ko namang hindi nyo mababasa ito pero sinulat ko parin, dahil malay nyo ...

  1. Ayusin nyo ang pamamalakad ng kalakal at industriya dito sa Pinas. Gumawa kayo ng paraan para makapagtayo ng mga pagawaan at planta sa nararapat na bahagi ng bansa, pag handa na ang mga ito, pauwiin nyo lahat ng mga OFW na pinalabas ni GMA. Alam nyo naman siguro na kung meron lang maayos na mapagkakakitaan dito sa Pinas, na sapat na ibuhay sa pamilya at makapagtabi ng konting halaga para sa pag retiro, wala namang aalis para maging OFW.

  2. Pag naayos nyo na ang kalagayan ng mga mamamayan ng Pilipinas, busisiin nyo naman kung bakit nagdagsaan ang mga Koreano dito sa Pinas. Actually hindi lang naman Koreano ang dumarami dito sa atin, kundi mga Pakistani, Indiano at kung ano anong klaseng puti, itim at kung anu-ano pang kulay, galing sa kung saan-saang bansa. Balita ko kasi hindi raw pwedeng limitahin ang pag pasok ng mga Koreano dito sa Pinas dahil baka daw gumanti ang pamahalaan ng Korea sa higit na 100,000 Pinoy na naandun naman sa Korea. Pag nakauwi na mga OFW natin (see suggestion #1) hala bira.

  3. Para naman dun sa nagaakalang bigshot sila dahil sila'y turista dito at dito gumagasto ng dolyar, won, yen at kung ano ano pang uri ng salapi, sana magpatupad kayo ng batas na instant deportation ang mapapala ng kung sino mang banyaga, langyaw o porener na hindi magbayad ng tamang halaga sa taxi, tricyle o kalesa, dahil mahal daw ang singil nito. Sa mga estranghero namang mahuling nambugbog ng Pinoy dahil siya ay nakainom at naghahanap lang talaga ng action, kahit isa o dalawang gabi sa Bagong Diwa, pwede na siguro. Doon maraming action.

  4. Tungkol naman sa mga paaralang tumatanggap ng porener na mga studyante dahil nga mura daw mag aral dito, bigyan nyo sana ng special privileges ang mga paaralang kusang nagbibigay ng mga scholarship sa mga mag-aaral na Pilipino. Yung mga porener na studyante, dapat me miscellaneous fee na "Non-resident Filipino charge" (siguro mga PHP 5-10K per sem pwede na) na siyang gagamitin para ipangtustos sa scholarship fund. O diba kung ganyan eh di happy all?

  5. Sa lumalaganap namang medical tourism dito sa Pinas, dahil daw dito mura ang kidney, atay, baga at kung ano-ano pang bahagi ng katawan ng tao kaya dito nagpupuntahan ang mga porener, banyaga at langyaw na mesakit, hindi narin ako nagugulat. Eh yung Pangulo nga natin ngayon mismong taong buhay ang ine-export eh (see suggestion #1 ulit). Siguraduhin nyo lang sana na may kaukulang kapangyarihan ang Department of Health para siyasatin ang mga clinic na may serbisyong ganito.

  6. Hindi lang naman taong banyaga ang laganap dito sa bansa natin. Marami ring mga bilihin na meron naman tayo pero makikita parin ang mga imported na katumbas nito. Ilang taon na ang nakakaraan nung magulat akong wala na palang Rufina Patis sa grocery, at sa halip na ito ay Thai patis ang nakadisplay. Nag-aangkat narin tayo ng bigas na malamang produkto ng mga nag-aral na banyaga sa ating International Rice Research Institute (IRRI). Meron nang imported bayabas, sampaloc at strawberries, na meron naman tayong mga produktong ito sa Baguio at iba pang mga probinsya. Siguro naman pwedeng gawan nyo ng paraan na umunlad ang agrikulturang Pinoy, upang di na tayo mangailangang mag import.

  7. May isa pa sana akong suggestion, na malamang magpataas ng kilay nyo. Sana mabigyan nyo ng kaukulang proteksyon at pag-alaga ang mga kababayan nating nasa entertainment industry. Hindi mga artista ang tinutukoy ko, dahil kayang-kaya nilang alagaan ang sarili nila. Ang ibig kong sabihin ay yung mga nagtatrabaho bilang GRO, sexy dancer, at lalong lalo na ang mga sex workers. Sana mabigyan sila ng tulong at benepisyo katulad ng natatanggap ng karaniwang manggagawa, dahil aminin man natin o hindi, trabaho lang din naman ang ginagawa nila. Kailangan din nila ang proteksyon laban sa mga mapagsamantalang mga amo at cliente. Kailangan din nila ng angkop na benepisyo para sa kanilang kalusugan. Itigil na natin ang holier-than-thou attitude na nagsasabing sila ay marumi. Pilipino rin sila. Tao rin sila.

  8. Sana pangatawanan nyo ang paniniwalang Ang Pilipinas ay Para sa Pilipino. OK lang naman para sa akin ang turismo. Pero ang katagang tourist ibig sabihin uuwi din sila kung saan sila nanggaling. Kaya siguro dapat siyasatin ng BID kung legal pa ba ang mga papeles ng mga ibang nag-aaral na porener sa mga lugar tulad ng Baguio at Cebu. Nakakapagtaka kasi yung balitang pag namamasyal ang BID itinatago daw nung mga eskwelahan ang mga studyante nilang Koreano. Ewan ko nga lang kung bakit sila tinatago, kung dahil ba para huwag silang mahuli ng BID, o para huwag silang mahuthutan ng BID.

  9. Kapag andito na ulit yung mga nakipagsapalaran sa ibang bansa para lang buhayin ang mga kamag-anak nila dito sa Pinas, at andito parin kaming hindi parin nawawalan ng pag-asa, sana naman mahalin nyo kaming lahat. Wala naman kaming reklamo sa mga buwis at kung ano ano pang mga deduction sa sweldo at padala namin eh. Eh kung sa maayos ba napupunta ang kontribution namin, bakit hindi.

  10. Bawas-bawasan narin sana natin ang labis na pag asa sa mga biyayang binibigay ng US of A. Kasi sa totoo lang, wala narin silang biyayang maibibigay. Diba matagal nang me recession sa kanila, ayaw lang nilang aminin? Tulungan nyo sana ang bansang matutong umasa sa sariling kakayahan, produkto at sa isat-isa.


Pagpasensyahan nyo na kung mejo anti-foreigner ang dating nitong sulat ko. Hindi po ako anti-foreigner, in fact ang bossing ko for 10 years already ay porener din. Pero porener na residente at dito na nagpamilya. Naniniwala lang ako na hindi dapat maging second class citizen ang Pinoy sa sarili nyang bansa. Naniniwala din akong dapat matigil na ang paniniwalang ang porener ay nakakabuti sa ating bansa dahil dolyar ang ginagastos nito. Hindi lahat ng ginagasto ng porener ay sa Pilipino napupunta, at hindi lahat ng porener ay nakakabuti.

Parusahan nyo rin sana ang mga kababayan nating mga kurakot dahil may kapangyarihan. Alagaan mo kami, huwag nyo kaming pabayaang mawalan ng karapatan. Sabi ko naman sa umpisa pa lang nitong sulat na ito, ayusin nyo sana muna ang bansa. The rest will follow.

Good luck po sa inyo.