Binura ng Entrecard ang account ng blog na ito dahil daw hindi siya sumusunod sa Blog Quality Standards nito. Aling alituntunin ang sinuway ng blog na ito? Ang pagbablog sa lenguaheng hindi Ingles.
Ngayon alam ko na kung bakit wala nang ka amor-amor si Turnip of Power sa Entrecard. Na ban sa Entrecard si Turnip dahil pinuna nya sa Twitter ang katawa-tawang sumbrero ni Graham Langdon na siyang gumawa ng Entrecard. Ginawa lang din naman nya ito dahil sa anunsyo ni Langdon mismo na babantayan at i-o-autopost daw nya sa sarili nyang Twitter ang lahat ng Tweet tungkol sa Entrecard. Ayun di nakita nya ngayon yung asshat Tweet ni Turnip. Banned from Entrecard ngayon ang idol kong social networking and blog income earing guru na si Turnip of Power.
Sabagay ang sasabihin lang din naman ng mga ibang taga Entrecard na kasalanan ko dahil hindi ako sumunod sa BQS ng Entrecard. Pero hindi ko maialis sa isipan ko na ang pag ban ng mga blogs na hindi Ingles sa Entrecard ay senyales lang ng pagkukulang sa pag-unawa at kaalaman ng mga tao sa Entrecard. Sa dami ba naman ng Pinoy (at ng iba pang mga tao na galing sa iba't ibang bansa) na nasa kung saan man naka HQ ang Entrecard, wala silang maitalaga na bantay kung ang isang blog ba ay sumusunod sa ibang alituntunin ng BQS?
O baka paranoid lang sila dahil hindi nila naiintindihan ang anumang lengwahe maliban sa Ingles? Tsk tsk ... matinik parin ang Pinoy. By necessity, ang Pinoy ay may dalawang lenguahe--yung natutunan nya mula ng lumaki siya at nagsalita, at ang Ingles na natutunan nya sa paaralan.
Kawawang Amerikano. English lang ang alam.
Subscribe to:
Posts (Atom)



