Binabalaan ko lang po ang mga nagbabasa, baka ho kayo masuka sa mga larawan na makikita nyo sa post na ito. Ihanda nalang muna ang mga bimpo at balde at alcohol bago magpatuloy sa pagbabasa.

Biyaheng UP Diliman ang asawa ko nung Biyernes, Jan 30. Habang siya'y nakasakay sa front seat ng jeepney na UP Ikot galing Q. Ave, may inabot sa kanya ang driver nito.

Sir, ika nya. Baka ho may mapaggagamitan kayo nito, panggatong ba o pamunas ng kung ano. Dahil wala po akong kabilib-bilib jan.

Nung siniyasat ng aking asawa ang brochure na inabot ng driver sa kanya, ito ang kanyang nakita:



Ang brochure na ito ay may laking 8.5" na haba at 5.5" na lapad (letter size paper na tinupi), may full color glossy cover, at walong papel (32 pages total) na full color print din ang niloloob. Meron pa itong insert na papel na pink na full color sep din ang magkabilang panid.

Makikita sa loob ng color brochure na ito ang sinasabing pakay ng nagpalathala:



Hanep. Hindi ko na kokompyutin ang malamang ilang milyong piso na ginastos sa pagpapalathala nitong brochure na ito. Hindi ko narin ie-estimate ang dami ng kopyang malamang ikinakalat ngayon sa buong kamaynilaan at karatig probinsya. At syempre hindi ko narin sasabihin na ito'y walang iba kung hindi campaign material ng isang taong gumagamit ng salapi ng mamamayan para itulak ang hibang na hangarin nyang tumakbo bilang pangulo ng Pilipinas, at sa mas nakakahibang na pangarap nyang mananalo siya.

Isa lang naman ang hamon ko sa hibang na mamang nagpagawa nito. Mamang ano, magpakatutoo ka naman kahit minsan lang. Kahit isang beses lang.

Gumamit ka ng litrato na tunay. Yung piktyur na totoo. Piktyur ng kung ano talaga ang mukha mo ngayon. Hindi hitsura mo 20 years ago. Yung tunay na hitsura mo ngayon, na walang studio lights, walang make-up.

Malamang hindi mo magagawa ano? Dahil siguro alam mo naman talaga ang totoo. Pangit ka, at mas pangit pa ang budhi mo. Yang sinasabi mong gusto mong makilala bilang isang builder of character hindi mangyayari yun. Dahil ikaw at ang mga tauhan mo ay kailan man hindi makikilala bilang mga taong may character.

Pinababayaan ka lang ng isa pang walang character na GMA na gamitin ang mukha nya para itabi sa retokado mong mukha dahil alam nyang wala namang boboto sayo sa 2010. May ibang planong suportahan si GMA at hindi ikaw yun.

Ang masaklap lang para sa taong bayan ay malamang hindi ka titigil hanggat di maubos ang pera ng bayang nakalaan para sa tanggapan mong binubuo ng puro kwagong katulad mo.

Kawawang mamamayan.