Isa sa mga added features ng Meralco website (www.meralco.com.ph) ay yung pwedeng mag register ang isang Meralco subscriber at makatanggap ng email notification ng kanyang bagong bill, ilang araw bago maging due ito.

Matagal na akong nagparegister sa website ng Meralco, kaya ilang taon naring buwan-buwan kong nakikita ang bayarin namin dito sa bahay bago pa dumating ang mismong bill na papel.

Me napansin nga lang ako nitong mga nakaraang bwan:

MonthKW ConsumptionAmount Paid in PHP
September 20084884,694
October 20084714,719
November 2008 4765,040


Kapansin-pansin na nuong buwan ng Agosto mas malaki ang konsumo namin ng kuryente sa bahay (me pressure pump kasi ng tubig na galing sa poso, wala kasing Manila Water dito samin; at meron ding iilang computer) kung ihahambing sa mga sumusunod na bwan. Pero kung kelan lumiit ang konsumo siya ring lumaki ang bayad!

Malamang sa hindi ito ay dahil kailangang bawiin ni Meralco in advance yung mga irerefund nyang pera sa iilang mga consumer. Iilan dahil ang dami ng lintek na mga kondisyon bago ka ma issue-han ng refund. Good luck nalang sayo, at sana nasa iyo pa ang recibo ng meter deposit from 10 years ago, at good luck din dun sa mga katulad kong wala sa sariling pangalan ang rehistro ng meter, for one reason or another.

Sa walang kalaban-laban na consumer, isang malalim na buntong hininga nalang.

* * * * *

Tawanan mo ang iyong problema? Halakhakan imbes na Himagsikan!

Hindi po ito bagong rallying cry... intro lang po ito sa post ni Leslie Bocobo tungkol sa peborit kong Tse-rman, isang futuristic (sana magkatotoo) na kwento tungkol sa mga kinikilala nating tao sa gobyerno.



MANILA, Philippines - Militants resumed Sunday their spray-painting of posters and tarpaulins of Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Bayani Fernando, focusing their efforts in Quezon City.

Radio dzBB's Allan Gatus reported that members of Kadamay defaced the posters of Fernando, including those calling for discipline and those congratulating him for winning a TV singing contest.

The group concentrated its activities in some areas of Quezon City, including Commonwealth Avenue, Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) and Kamuning.

Also, the group said it is planning a protest march to Mendiola Bridge against Fernando scheduled Dec. 1 and 2.

Militants accused Fernando of violating human rights with the MMDA's clearing operations targeting sidewalk vendors.

But a Q-11 television report Saturday night quoted Fernando as saying the vendors who are the targets of clearing operations should pay legitimate rent in markets instead of protection money to syndicates that let them place stalls in the sidewalk. - GMANews.TV


But really, come to think of it, why would sidewalk vendors pay "syndicates" who cannot keep them on the sidewalk anyway, unless the syndicate is made up of the very people who do?

I take my hats off to people who do get to give those BF posters a dose of BF's own medicine. All I do is rant about the posters. These people actually DO something about them.

Nakupo sa mga susunod na araw wag na kayo magtaka kung sa mga Pahayagan ni Bayani (ung mga nakalagay na bakal na sisidlan ng mga tarpolin ng mga anunsyo ng MMDA at ng gubyerno, sila ring mga pinaglalagyan ng mga tarpolin na me kapalmuks na pose ni Mr. Metro Gago at me mga katagang “Pagkakaisa: May Gubyerno” at mga kahalintulad nun) meron nang nakalagay dun na mga katulad ng “Congratulations and Mabuhay Chairman BF for winning Celebrity Duets 2; we’re proud of you! — from your MMDA family” --pakshet101, congratulations mr. metro gago

At meron na nga, napansin ko kagabi sa mga lugar na dinadaanan ko papunta at pauwi sa opis. Kaya armado nanaman akong lumabas (KODAK EASYSHARE CX7330 Zoom Digital Camera po ang armas ko) ng bahay kanina para makakuha ng ebidensiya. Makikita ang mga congrats posters na ito sa concrete pedestrian overpass sa may 6-11, MIA road, sa giant bilog na Pahayagan ng MMDA sa tapat ng Heritage Hotel sa bungad ng EDSA, at kung saan saan pang pedestrian overpass.

pakingsyet! pero di na ko manggagalaiti ... kasi naman baka maging dahilan pa ng maaga kong pagkamatay (na malamang ikatutuwa ng mga alipores ni BF) kung sasabihin ko pang hayupax talaga tong mamang ito (ug sa binisaya pa, hangul kaayo siya ug exposure, as if the previous posters he hung around the metro were not enough).

I just need to keep in mind that I live in ParaƱaque City, Metro Manila, Philippines.

NOT Metro-Philippines.

Metro-Manila-Day? Ano yun?Palibhasa wala ako sa Maynila nung nakaraang Biyernes, kaya hindi ko alam na Metro-Manila Day pala nung Nov. 7, 2008. In fact, ika-33 na anibersaryo na pala ng Metro-Manila Day. Ano kanyo ang Metro-Manila Day? Ito po ay isa nanamang imbento ng ating peborit Tserman BF.

Bakit ko po nasabing imbento? Magtungo po tayo saglit sa pahina ng Metro Manila Development Authority sa Wikipedia. Makikita po nating isa itong detalyadong pahayag tungkol sa tanggapang ngayong kilala bilang MMDA at ang mga pinagmulan nito. Magtungo po tayo sa section ng History nito. Mapapansin nyong ni isa sa mga petsang nakasaad ay walang ginanap sa buwan ng Nobyembre o November. (Click kayo dito for a screeshot ng wiki page as of Nov. 14 2008, in case me mag milagro at biglang nagkaron ng Nov 7 na date sa listahang ito.)

So, saan nanggaling ang 33rd Anniversary ng Metro-Manila Day? Aba malay ko. Malamang itoy sineselebrate sa Metro Philippines. Ewan ko rin kung ano yun. Kapansin-pansin lang ang hilig ng Tserman na mag imbento ng kung ano ano, at ilathala ang mga imbensyong ito sa mga naglalakihang tarpaulin banner na kinakalat parang basura sa buong Kamaynilaan.

Iba po ang Metro-Manila Day (kathang sipsip, este isip pala ni BF) sa Araw ng Maynila na may 50 taon nang pinagdiriwang sa Lungsod ng Maynila.

Dahil din sa Wikipedia, nalaman kong may iba palang kahulugan ang MMDA--3-methoxy-4,5-methylenedioxyamphetamine, isang psychedelic drug. Hmmm...

* * * * *

Earlier this evening, Sam and I were heading home from work. We were on an old non-aircon bus bound for MIA. Our driver was not of the speeding kind, thank goodness. After all of the accidents on EDSA involving buses, but having no choice but to ride one to and from work (cost cutting), the mere act of getting on a bus can raise one's heartbeat to worrying levels.

Flash photo of the cop that flagged us downWe had just crossed the intersection of EDSA and Roxas Boulevard, just past the Heritage Hotel, when our bus was flagged down by a motorcycle cop. Or what appeared to be a motorcycle cop. This was around 7:30-8:00pm, and if you are familiar with the Toyota Cars establishment at the opposite corner, you will know that there is not much light in that area to read by. Yet the cop stood on the street by the bus driver's window and asked for his registration papers. The cop did not have a flashlight or anything that will help him discern if the papers were in order, yet he walked to the middle part of the bus, away from the bus's headlights, which to me was the best place for reading, but I'm no motorcycle cop. The bus conductor followed him.

As far as I could tell our bus driver had committed no traffic violation. On impluse I took out my camera and snapped a couple of times at the general area where the cop was standing. The cop saw the flash and walked up to my window, spread out his arms and shouted "O gusto ko close up ha, tsaka gusto ko nasa front page ako ng newspaper bukas!" So I obliged him and took two more shots, but since it was dark I fudged the controls on my camera and the flash did not go off. He then gave the registration papers back to the conductor

Gusto ko yungn close-up ha! Gusto ko nasa front page ako bukas ng newspaper!You can see by this photo how dark it was where we were, but by the magic of Photoshop I was able to pick his face out (see inset). His jacket covered the nameplate on his shirt, and you can see in the flash photo that he also had a pen obscuring the nameplate. His helmet did not look like government issue either. When we were on our way again the conductor made his way to where Sam and I were sitting and asked "media po ba kayo mam?" I told him no, taking pictures was just my hobby.

He said "Buti nalang mam piniktyuran nyo, kung hindi malamang tumagal pa yun." The cop may have been after his quota (or whatever) for the day. If he were a cop at all to begin with.


Sa kalawakan ng saklaw ng mga blogs at mga bloggers sa Internet, nagiging mahalaga narin ang pagpangalaga sa sariling katauhan o identity.

Isa sa nakatutulong sa pagpanatili ng identity sa Internet ay ang paggamit ng Gravatar. Pero ano ang gravatar at paano ito makakatulong sa pag seguro ng identity ng isang blogger?

Ang Gravatar, o globally recognized avatar, ay isang imahen na naka-associate sa isang email address na maari mong gamitin kung ikaw ay nagiiwan ng comment sa blog ng ibang tao. May kahalintulad ito sa avatar na nakikita sa forum. Ang kaibahan lamang ay ang avatar sa forum ay hanggang duon lamang makikilala, habang ang gravatar ay makikita kung saan mo man i-enter ang iyong email address sa comment form.

Kung ang blog na iyong iniwanan ng comment ay gravatar-enabled (karamihan ng blogspot at wordpress.com ay ganito), pagkatapos mong i-submit ang comment at mailathala ito ng awtor ng blog, makikita mo ang gravatar mo sa tabi ng iyong comment. Mahalaga nga lang na ikaw lang ang nakakaalam sa email address na gagamitin mong pang comment, at ang email address na ito ay nalagayan mo na ng gravatar. Ibig sabihin nito ay makasisiguro ang author ng blog (at ng iba pang blogger na kilala ka) na ikaw talaga ang nagiwan ng comment kung saan man, at hindi ibang tao na nagpapanggap na ikaw.

Ilang beses naring nangyari na ang pangalan ng isang tao ay ginamit ng mga ibang taong may masamang motibo para mag-iwan ng komento sa isang blog. Ang komentong ilalagay ng mga taong ito ay karaniwang salungat sa opinyon ng taong ginamit nila ang pangalan. Halimbawa, may mga blog na akong napasyalan sa unang pagkakataon, at nagulat nalang ako nang makita ko ang aking pangalan bilang isa sa mga nag-iwan ng komento. Tipong imposible naman yata yon, dahil nga first time kong naligaw sa naturang blog. Nang binasa ko ang laman ng komento, halatang hindi nga ako yun, dahil salungat sa aking mga prinsipyo at paniniwala ang mga nakalagay duon, at maliban pa doon wala rin ang aking gravatar. Ibig sabihin, ibang email address ang ginamit nung naglagay ng comment, at hindi email address ko.

Paano ba gumawa ng sariling gravatar? Napakadali lang nito. Pumunta lang sa http://en.gravatar.com/ at i-click ang link sa itaas na Sign-up for a Gravatar. Email address lang ang hihingin ng sign-up form. Mas mabuti kung ang email address na gagamitin mo ay hindi pa gasgas at kung saan saan lang nakalathala. Ito ay para huwag magamit ang email address mo ng mga taong may ibang agenda sa buhay at trip pang idamay ka. Pagkatapos mong mai-setup ang iyong avatar, ang email address na ito na ang gamitin mo upang mag iwan ng comment sa mga blog. Habang secure ang iyong email address at hindi nalalaman ng mga taga kabilang bakod, magiging secure din ang identity mo sa internet.

Mga paalala. Ang pagiwan ng comment sa mga blog ay nangangailangan ng email address ng commenter, alam nating lahat yun, maliban na lang kung ang blog ay pumapayag na may anonymous na commenters. Maliban sa email address, naiiwan din ang iyong IP address sa blog. Ang IP address ay isang serye ng mga numero na nagpapahiwatig kung sino ang iyong Internet Service Provider. Maari din itong maituro kung saan ka narooon sa panahong sinulat mo ang isang comment.

Dito ko nahuli ang istilo ng iilang taong nagiiwan dati ng comment sa isang blog ko. Akala mo ay napakaraming nag comment na puro batikos sa mga opinion at blog posts ko. Yun pala ay iisa lang o dalawang tao na iba ibang pangalang ang ginamit, ngunit nasa iisang lugar lang pala. Alam ko ito dahil iisa lang ang IP address na pinanggalingan ng comment.

Kaya sa mga kaibigan at ka-blog kong maaaring mapag-initan ng mga taong walang magawa sa buhay, konting ingat. At duon naman sa mga akalang ako ang nagiwan ng comment sa blog nila, pasensiya nalang po kung tila kakaiba ang mga katagang nabasa nyo duon. Kung walang gravatar, hindi po ako yun.

Ewan ko kung may nakakaalala pa sa mga classic na sticker na makikita sa jeepney at bus noong unang panahon. Isa dito ang sticker na may mga katagang "Don't talk to the driver while the bus is in motion"

Bigla ko lang naalala ang sticker na ito (dead giveaway ng edad ko) dahil sa mga huling sandali ng video na ito, maraming salamat sa QTV Balitanghali. May mga driver kasing ininterview si Ruth Cabal habang ang mga ito ay nagmamaheho. Hmm, diba bad yun? Isa pang sinabi ni Ruth Cabal ay ayon sa mga driver na kinausap nya, hindi naman daw kailangan ng mga bagong batas trapiko.

Teka muna Ms. Ruth, hindi naman bago yung RA 4136. Malamang ang ibig mong sabihin sa "bago" ay ang masusing pagpapatupad nito. Mukha yatang hindi rin tama yung sinabi ng Chairman BF na ang solusyon daw sa speeding ay ang paghuli sa mga bus liner na bumibiyahe parin kahit suspendido na ang prankisa, imbes na pagmultahin lang sila. Malamang sagot yun sa sikip ng traffic sa EDSA, pero one does not necessarily solve the other.



Pero maiba tayo.

Napapagusapan naman din lang ang mga trapolin este tarpaulin pala ni Tserman BF, nais ko pong ibalita na naispatan ko ang tarpaulin nyang nakasimangot at naka blue na tshirt sa kalyeng dinaanan namin galing sa Legaspi airport papuntang Sorsogon. Nakasabit ito sa isang poste ng kuryente at mukhang back to back pa ito dahil nakita ko rin ito ulit sa biyahe namin pabalik. Magbibigay po ako ng ebidensya sa loob ng dalawang linggo, dahil babalik ako ulit doon bago matapos ang Nobyembre. Hayaan nyo't kokontsabahin ko na ang drayber para ma litratohan ko ng maayos ang listak na tarpaulin. Hanef! Sakop din pala ng MMDA ang provincial road ng Sorsogon to Legaspi (and vice versa)?

Pero ang isang mahalagang bagay na natutunan ko sa video na ito ay isa pala sa mga dahilan na kung bakit walang speed limit sa EDSA ay dahil wala daw speed detectors ang MMDA. Ayuuun, kaya naman pala. Nakutosan nanaman tuloy si BF ni Congressman Golez. Ang halaga naman daw kasi ng ground speed radar sensor eh mga 20 tarpaulin lang pala. Kung ibabase mo siya sa computation ni Politikobuster, nasa mga 20 tarpaulin nga.

Gusto ko yung solusyon na pinopropose ni Leslie Bocobo na gamit para sa mga tarpaulin na ito.




Kung bakit ako naglakbay galing Legaspi papuntang Sorsogon: http://bambit.kusangpalo.com/2008/the-masbate-project.html


"A man who lies to himself and listens to his own lie comes to a point where he does not discern any truth either in himself or anywhere around him, and thus falls into disrespect towards himself and others. Not respecting anyone, he ceases to love, and having no love, he gives himself up to passions and coarse pleasures, in order to occupy and amuse himself, and in his vices reaches complete beastiality, and it all comes from lying continually to others and to himself."

Fyodor Dostoevsky, "The Brothers Karamazov"

The photo above is from one of my favorite blogspot bloggers, Leslie Bocobo, not the least because he has one of the most well-researched and scathing blog categories dedicated to the inimitable MMDA Chairman.

The same photo appears in John Marzan's blog "Philippine Politics 2010", in the post aptly titled "Manyakis", dated August 28, 2005.

Politikobuster of "mga side comments ko", and his blistering commentary against our favorite chairman presents this photo from pinoyweekly.org:


Politikobuster even has a special section on his blog, documenting the travels of the trailblazing BF called "Where in the Philippines is Bayani Fernando".


Kiko Quiambao's blog post "Bayani Fernando WTF?!" in his blog "Promdi Novice Traveler" features photos of the chairman's posters that were as out of line as the buses that his dog Nacianceno spray-painted the phrase on. Kiko photographed the posters during trips to Batangas, Tagaytay and Bacoor. This particular post has several very interesting comments as well.

Boyong "Pansit Junior" Campos' blog "Blasted!" has quite a few posts on BF as well, and he seems to be the flavor of the season for the rabid na die-hard pa BF blog stalkers, who have imprinted their rah rah comments on his BF tagged posts.

A short but nevertheless noteworthy post by Chassagne in her blog "Side Mirror", appropriately titled "I feel like I'm being stalked" is also worth mentioning, because the title itself gives name to the feeling heretofore indescribable to most commuters and motorists.

To follow-up on politikobuster's report that the cursed posters have appeared at the Loyola Memorial Park in Marikina City, you might want to get a barf bag ready (this is not for the weak of stomach or faint of heart) before going on to pakshet 101 and his post "katarantaduhan sa undas"

Saving the best for last, Herson Juego's "Splice and Dice" blog features a "Blind Item" which narrates a recent afternoon down south "when lo and behold an appalling image came before our sight, striking our cord of bewilderment the first instance our eyes set themselves on the pink poster hanging on one of the street posts. A few meters ahead, a couple of men were still busy nailing the edges of another poster on the next street post, done with the help of a truck from one of the offices in the Metro with the authority for developing what it wants to develop. We thought, how and when in the world did we become a part of Metro Manila?"

How in the world indeed. And to think that on Wednesday early morning I will be heading off to Masbate City for three days, the sister city of which is--guess what--Marikina City! Chances are I'll be able to contribute to Politikobuster's chronicle of the man-who-thinks-he-can-be-president-and-is-determined-to-advertise-himself-at-the-taxpayers-expense.

Abangan...